Natural sa lalake ang mambababae - its in their genes. OWI
Ah, parang yung BOYFREND MO?! OWI
The class was in a riot already.
OO - E ANO NGAYON? ANG ISSUE PAMBABABAE - HINDI PANLALALAKE! SHA
ME was shocked to have heard her confirmation.
-o0o-
Part of the requirements for my Logic Class is a classroom debate. Our elimination rounds was on the issue:
Anong mas masarap: spaghetti na may plema o spaghetti na may kulangot?
I know right?
From there we moved into the Semis which had the topic on:
Natural sa lalake ang pambababae.
Which resulted to a very animated and intense argumentation.
-o0o-
You okay? ME approached SHA after the debate
San sir? SHA
Kanina? ME
Ah, okay naman Sir. Bakit po? SHA
ME was silent.
Si MAK sir, boyfriend ko. SHA
MAK is gay - he's-so-gay-he-sweats-glitter ganyan.
ME didn't know what to say.
Alam ko naman sir. Okay lang sa akin. Naiintindihan ko ang preferences nya. SHA
ME was still silent.
We have a connection sir e - hindi din namin maintindihang dalawa - pero we get each other. Yung no need for words. SHA
Anong set-up nyo? ME
BF-GF sir - the usual. Hindi ko din naman sya prine-pressure na mag-astang lalake. Komportable din naman ako sa softness nya at ayaw ko din naman siyang baguhin. SHA
Ang hirap lang sir sa mga kaibigan kasi yung tulad kanina, lagi mong ipagtatanggol - kasi nga naman its not your usual relationship. Hindi naman lahat din maiintidihan kung anong meron kami. Hindi ako tanga sir, alam kong nagkakagusto pa din siya sa lalaki - pero I embrace that, e sa mapagmahal boyfriend ko e. Hehehe. SHA continued
What does MAK say? ME
Laging nagtatanong sir - bakit daw siya? Pwede namang friends lang kami ng bongga ganyan. SHA
Ano sabi mo? ME
Yung totoo sir: na ayaw kong friends lang kami. Willing naman si MAK to explore it sir e - okay na yun sa akin. Ikaw sir, what do you think? SHA
Ngek, hindi naman na yun importante SHA. Ang importante yung kung ano ang usapan niyong dalawa lang ni MAK - kayo naman ang nasa relasyong yan. At isa pa, mukha namang klaro sa'yo ang sitwasyon. ME
SHA started to tear up.
Mahal ko yung baklang yun sir e - kung minsan ayaw ko pero mahal ko talaga e. SHA
ME don't do handkerchiefs, so ME couldn't offer SHA anything.
Look. ME started. Loving, more than being loved, is a gift. Napaka-swerte mo SHA kasi you're capable of that. So don't cry - dapat nagse-celebrate ka! ME
SHA smiled. Then she hugged ME.
-o0o-
Truth is, ME's first reaction was: Ano ba yan! Karnehan!
But after hearing from SHA, ME realized there are still kinds of love that ME don't know and while it may be hard to process it on the onset, what ME could at least do is to respect it.
Here's to loving whoever - whenever.